(Lumang Bersiyon)
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukopkopat tinutulungan
Upang maging malakas,maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan
at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan
ng walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita at sa gawa.
(BAGONG BERSIYON)
Iniibig ko ang Pilipinas
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas
Masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo
Susundin ko ang tuntunin
Ng aking paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayang
Naglilingkod, nag-aaral,
Nagdarasal ng buong katapatan
Inaalay ko ang aking buhay
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas
No comments:
Post a Comment