Thursday, March 22, 2007

Filipino Songs

Ako ay May Lobo

Ako ay may lobo
lumipad sa langit
di ko na nakita
pumutok na pala.
Sayang lang ang pera
pinambili ng lobo
kung pagkain sana
nabusog pa ako.

Sampung Mga Daliri

Sampung mga daliri, kamay at paa
Dalawang mata, dalawang tainga,
Ilong na maganda

Maliit na ngipin, masarap kumain
Dilang maliit, nagsasabing
Huwag kang magsinungaling

TAYOÝ SUMAKAY SA KABAYO

Tayo`y sumakay sa kabayo
Mabilis tumakbo ang kabayo
Katulad nito`y ipu-ipo
Mabilis ang pagtakbo.

Hiya, bilisan mo
Hiya, bilisan mo
Hiya, bilisan mo
Bilisan mo ang takbo.

Taka-taka-tak, takatak bang-bang
Taka-taka-tak, takatak bang-bang
Taka-taka-tak, takatak bang-bang
Bilisan mo ang takbo.

ANG PIPIT

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas,
“Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak!”

Leron, Leron, Sinta

Leron, leron, sinta,
Buko ng papaya,
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng sinta;
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.

Halika na Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

Halika na Neneng at tayo’y magsimba
At iyong isuot ang baro mo’t saya
Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay — berde, puti, pula.

Ako’y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigadilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.

Sitsiritsit

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang

Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa mandin — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng.

KAY GANDA NG ATING MUSIKA

Magmula nung ako’y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim damdami’y pag-ibig

Kung umapaw ang kaluluwa’t tinig
Ay sadyang nanginginig
Magmula nung ako’y natutong umawit
Bawa’t sandali’y aking pilit mabatid
Ang himig ng maituturing atin

Mapupuri pagka’t bukod tanging
Di marami ang di magsasabing
Heto na, inyong dinggin

KORO:

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin

Magmula nung ako’y natutong umawit
Nagkakulay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugin o himig

Sa isang makata’y maririnig
Mga titik nagsasabing

(Uliting ang Koro)

No comments: